^

Probinsiya

Higit 2K pulis dineploy sa Camarines Sur

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Higit 2K pulis dineploy sa Camarines Sur
Police officers gather at the Manila Police District headquarters in UN Avenue, Manila during the flag raising and awarding ceremony on April 25, 2022.
STAR / Russell Palma

Seguridad sa Peñafrancia Festival

NAGA CITY, Camarines Sur, Philippines — Aabot sa 2,316 pulis ang ipinadala ng Police Regional Office 5 ng Camp Gen. Simeon Ola sa Naga City, Camarines Sur upang tumulong sa pagbibigay seguridad sa ilang linggong iba’t ibang aktibidad sa kapistahan ni Nuestra Señora de Peñafrancia o Peñafrancia Festival.

Ayon kay PRO5 spokesperson Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, kumuha si regional director Brig. Gen. Westrimundo Obinque ng karagdagang mga pulis upang gawing augmentation force ng Naga City Police Office mula sa mga Provincial Police Office ng Masbate, Albay, Catanduanes, Sorsogon at Camarines Norte; Regional Mobile Force Battalion; Regional Special Training Unit; at iba pang PNP units sa rehiyon.

Sinabi ni Calubaquib na tutulong ang libu-libong pulis sa pagpa­panatili ng kaayusan, seguridad at sa inaasa­hang problema sa trapiko sa lungsod at karatig bayan sa kasagsagan ng festival.

Sa direktiba ni Obin­que, pinatitiyak nito sa mga tauhan na ligtas ang lahat ng mga deboto at bisita ng “Inang Peña­francia” na inaasahang daragsa sa lalawigan mula sa iba’t ibang panig ng bansa at mga dayuhang turista at bisita lalo na sa ginawang “traslacion” kahapon ng hapon kung saan inilipat ang imahe mula sa Peña­francia shrine patungo sa Naga City Cathedral.

Sa darating na Sabado, Setyembre 16 ay inaasahang libu-libo ring tao ang dudumog sa gagawin namang fluvial procession sa Bicol River para ibalik ang imahe sa bahay nito sa Peñafrancia Basilica.

SIMEON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with