^

Probinsiya

NPA member, sumuko sa mga pulis

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Boluntaryong sumuko sa mga pulis ang miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa ilalim ng Rebolusyunaryong Hukbong Bayan na nakatalaga sa coastal area ng Bulacan, Pampanga, Bataan at Zambales.

Sa report na tinanggap ni Provincial Director P/Col. Relly Arnedo, kinilala ang sumukong rebelde na si alyas Ka Boy, 40-anyos, obrero.

Nabatid na isinuko ni Ka Boy ang isang cal. 38 revolver smith na may limang bala nito,alas-11:00 ng umaga nitong Martes dahil sa pangamba na makasuhan sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril lalo pa na patuloy na umiiral ang gun ban sa probinsya.

Pansamatalang nasa kustodiya ng 1st PMFC para sa malalimang imbestigasyon at custodial debriefing.

Tiniyak naman na matatanggap ng sumukong rebelde ang mga provisions at social services, tulad ng pagbibi­gay ng hanap-buhay sa mapayapang kumunidad.

CPP-NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with