^

Probinsiya

Tatay nagwala, napatay sa saksak ng anak

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang ama nang ito ay masaksak ng sariling anak matapos ang pagtatalo dahil sa umano’y pagwawala ng una,naganap kamakalawa sa Negros Occidental.

Kinilala ang namatay na si Fernando Jodilla Sr., habang sumuko naman sa pulisya ang suspek at anak nitong si Fernando Jodilla Jr, 28, kapwa residente sa Bangga Diot, Brgy III-Poblacion, Himamaylan City.

Batay sa report ng Himamaylan City Police Station, alas-5:30 ng hapon nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng matandang Jodilla.

Lumabas sa imbes­tigasyon ng pulisya, lango sa alak ang biktima at nagwala ito sa kanilang bahay dahilan para sawayin ito ng batang Jodilla na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Naawat naman ang mag-ama ng kanilang miyembro ng pamilya at nagpasyang umuwi sa kanilang bahay ang suspek.

Ilang oras ang ma­ka­lipas, bumalik muli sa bahay ng ama ang suspek para humingi ng pasensya sa pag-aakalang maayos na ang lahat pero sinunggaban umano ito ng kutsilyo ng ama.

Nag-agawan sa kutsilyo ang mag-ama hanggang sa bumagsak ang sahig ang biktima at aksidenteng nasaksak ito sa tagiliran na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Kwento ng iba pang anak ng biktima na sa tuwing nalalasing ang kanilang ama ay nagwawala ito at minsan at sila ang napagbuntunan.

SAKSAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with