Pulis, tiklo sa pagnanakaw sa kabaro sa PNPA
Nakunan ng CCTV camera
CAVITE, Philippines — Pinaghahanap ng awtoridad ang isang bagitong pulis matapos makunan ng CCTV camera ang ginawa nitong pagsalisi at pagnanakaw sa kapwa niya pulis habang kumukuha ng comprehensive examination sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Camp General Mariano N. Castaneda, Brgy. Tartaria, Silang, dito sa lalawigan.
Nahaharap sa kasong “theft” at administratibo ang suspek na nakilalang si Patrolman Allen C. Cando, 29 anyos, residente ng Brgy. San Juan, Aliaga, Nueva Ecija, at nakatalaga sa CSS, General Services Support Division (GSSD) ng PNPA Camp General Mariano N. Castaneda ng nasabing lugar.
Kinilala naman ang nabiktimang pulis na si Patrolman Johnnie Estacio, 31-anyos, residente ng Racho Imperial Homes, Brgy. Tartaria, Silang, Cavite at kasalukuyang nakatalaga rin sa CSS, GSSD ng PNPA.
Sa ulat ni PStaff Sgt. Emerson Busto, may hawak ng kaso, ng Silang Municipal Police Station, personal na nagtungo sa kanilang istasyon si P/Staff Sgt. Patrick De Guzman De Rojas ng Intelligence and Investigation ng PNPA para ireport ang insidente ng pagnanakaw para sa tamang disposisyon, na kinasasangkutan ng isang bagitong pulis.
Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga nitong Agosto 11, 2023 sa parking lot ng Gymnasium Post ng PNPA camp at naiulat ang insidente sa Silang Police Station nito lang alas-11:11 ng umaga ng Agosto 19, 2023.
Lumalabas na pinark ni Estacio ang kanyang Honda PCX motorcycle na walang plaka sa harap ng nasabing gym ng PNPA at tumungo sa loob para mag-take ng comprehensive exam sa Criminal Investigation Course.
Inamin ni Estacio na naiwan niya ang kanyang susi na nakasaksak pa sa kanyang motorsiklo. Matapos aniya ng exam at pauwi na siya nang mapansin nito na nawawala na ang kanyang pera na nagkakahalaga ng P3,400 mula sa wallet na naiwan din nito sa motorsiklo.
Agad na kinuha ng nasabing pulis ang atensyon ng isang Pat. Razon ng Academic Group ng PNPA at hiniling na i-review ang CCTV footage kung saan naka-park ang kanyang motorsiklo. Dito na positibong natukoy na si Pat. Cando ang siyang kumuha ng pera ng biktima base sa CCTV footage.Nakunan ng CCTV camera
CAVITE, Philippines — Pinaghahanap ng awtoridad ang isang bagitong pulis matapos makunan ng CCTV camera ang ginawa nitong pagsalisi at pagnanakaw sa kapwa niya pulis habang kumukuha ng comprehensive examination sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa Camp General Mariano N. Castaneda, Brgy. Tartaria, Silang, dito sa lalawigan.
Nahaharap sa kasong “theft” at administratibo ang suspek na nakilalang si Patrolman Allen C. Cando, 29 anyos, residente ng Brgy. San Juan, Aliaga, Nueva Ecija, at nakatalaga sa CSS, General Services Support Division (GSSD) ng PNPA Camp General Mariano N. Castaneda ng nasabing lugar.
Kinilala naman ang nabiktimang pulis na si Patrolman Johnnie Estacio, 31-anyos, residente ng Racho Imperial Homes, Brgy. Tartaria, Silang, Cavite at kasalukuyang nakatalaga rin sa CSS, GSSD ng PNPA.
Sa ulat ni PStaff Sgt. Emerson Busto, may hawak ng kaso, ng Silang Municipal Police Station, personal na nagtungo sa kanilang istasyon si P/Staff Sgt. Patrick De Guzman De Rojas ng Intelligence and Investigation ng PNPA para ireport ang insidente ng pagnanakaw para sa tamang disposisyon, na kinasasangkutan ng isang bagitong pulis.
Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga nitong Agosto 11, 2023 sa parking lot ng Gymnasium Post ng PNPA camp at naiulat ang insidente sa Silang Police Station nito lang alas-11:11 ng umaga ng Agosto 19, 2023.
Lumalabas na pinark ni Estacio ang kanyang Honda PCX motorcycle na walang plaka sa harap ng nasabing gym ng PNPA at tumungo sa loob para mag-take ng comprehensive exam sa Criminal Investigation Course.
Inamin ni Estacio na naiwan niya ang kanyang susi na nakasaksak pa sa kanyang motorsiklo. Matapos aniya ng exam at pauwi na siya nang mapansin nito na nawawala na ang kanyang pera na nagkakahalaga ng P3,400 mula sa wallet na naiwan din nito sa motorsiklo.
Agad na kinuha ng nasabing pulis ang atensyon ng isang Pat. Razon ng Academic Group ng PNPA at hiniling na i-review ang CCTV footage kung saan naka-park ang kanyang motorsiklo. Dito na positibong natukoy na si Pat. Cando ang siyang kumuha ng pera ng biktima base sa CCTV footage.
Inihahanda ng PNPA Investigation Section ang mga kaukulang dokumento at ebidensya para sa paghahain ng criminal complaint laban sa suspek.
- Latest