^

Probinsiya

8 bagong Bangsamoro municipalities, itatayo

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Aprubado na ng parliamento ng Bangsamoro region ang pagtatatag ng walong mga bayan na sasakop sa 63 na barangay sa probinsya ng Cotabato.

Magkahiwalay na inanunsyo nitong Sabado ng dalawang mambabatas sa rehiyon, ang manggagamot na si Kadil Sinolinding, Jr. at si Kellie Antao, na pumasa na sa third and final reading ng kanilang parliamento ang panukalang hati-hatiin sa walong bayan ang 63 Bangsamoro barangays sa probinsya ng Cotabato.

Ang Cotabato ay pro­binsyang sakop ng Region 12 ngunit may 63 na barangay sa ibat-ibang bayan nito na nasa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Cotabato Gov. Emmylou Mendoza, bagama’t hindi na saklaw ng kanyang administrasyon ang itatatag na walong Bangsamoro municipalities, susuportahan niya ang pagtatag ng mga ito.

Si Mendoza ay kilala sa kanyang masigasig na pagsuporta sa magkatuwang na peace process ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at ng liderato ng BARMM.

Ayon kay Mendoza, malaki ang magandang maidudulot sa ekonomiya ng pagtatatag ng walong Bangsamoro municipalities sa kanilang probinsya na papangalanang “Pahamuddin”, “Kadaya­ngan”, “Nabalawag”, “Old Kaabakan”, “Kapalawan”, “Malidegao”, “Tugunan” at “Ligawasan”.

Ilan sa naturang ita­tatag na walong bayan ay malapit sa Liguasan Delta na may malaking deposito ng natural gas.

EMMYLOU MENDOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with