2 teroristang Daulah-Maute sumuko
MANILA, Philippines — Dalawang bandido na kabilang sa mga nalalabing kasapi ng Daulah Islamiyah (DI)-Maute terrorist group ang sumuko sa tropa ng Joint Task Force (JTF) Zampelan sa Lanao del Norte, ayon sa opisyal ng militar kahapon.
Sa ulat ng AFP-Western Mindanao Command, kinilala ang mga nagsisuko na sina Abu Talha at Abu Anas, mga dating bayolenteng ektremista na nasangkot sa Marawi City siege.
Bitbit ng dalawang bandido ang kanilang mga armas na kinabibilangan ng isang cal. 45 pistol at isang cal. 9mm pistol sa tropa ng 2nd Mechanized Brigade ng Philippine Army. Ang mga nagsisuko ay sinamahan ng Bangsamoro Transition Authority Commissioner Al-Haj Abdullah Macapaar, alias “Bravo” at ng kinatawan nito na si Munai Mayor Racma Andamama.
Iprinisinta ang mga nagsisuko kamakalawa kina 2nd Mechanized Brigade Commander Brig. Gen. Anthon Abrina, Department of Interior and Local Government provincial director, Bruce Colao, CESO V.
Kaugnay nito, muling nanawagan si Army chief Lt. Gen. Roy Galido, outgoing commander ng AFP-Westcom sa mga nalalabi pang miyembro ng Daulah Islamiyah na magsisuko na sa batas para sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Lanao provinces.
- Latest