^

Probinsiya

Big-time ‘pusher’ timbog sa P14.3 milyong shabu

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga ope­ratiba ng pulisya matapos nilang maaresto ang isang big-time pusher na miyembro ng kilabot ng drug group at makumpis­kahan ng may P14.3-mil­yong halaga ng shabu sa isinagawang anti-drug operation sa Bacolod City, Negros Occidental, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Sabado.

Agad pinuri ni PNP chief General Benjamin Acorda Jr. ang mga tau­han ng Bacolod City Police Office (BCPO) at City Drug Enforcement Unit (CDEU), dahil sa pagkakadakip sa suspect na si Michael Frias alyas “Tata” at “Toto Gonzales”, 45-anyos, at ka­sapi ng “Caunda Drug Group”.

Nakumpiska kay Frias ang tinatayang nasa 2.115 kilong shabu na may halagang P14.382 milyon.

Base sa ulat ng BCPO, isang buy-bust operation ang ikinasa ng CDEU laban kay Frias dakong alas-6:49 ng umaga kamakalawa sa Purok Pablo Torre, Brgy Vista Alegre, Bacolod City sanhi upang siya ay maaresto nang makuhanan ng malaking bulto ng shabu.

Ayon kay BCPO director Police Col. Noel Alino, si Frias ay kanang kamay ng lider ng Caunda Drug Group na si Maria Caunda na tubong Mindanao. Nasa P100,000 reward na ang alok ng awtoridad para sa ikadarakip ng naturang babaeng lider ng grupo.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with