FCP Fitness Resort ‘grand launching’ sa Puerto Princesa, itinakda
MANILA, Philippines — Itinakda ngayong buwang ng Agosto ang grand launching ng Fight Club Philippines (FCP), isang fitness resort na kauna-unahang itinayo sa Pilipinas.
Ang FCP Fitness Resort, na may ipinagmamalaking “state of the art” gym ay matatagpuan sa Maranat 3, Brgy. Bacungan, Puerto Princesa City.
Kabilang sa mga events ng FCP ay ang “Battleground” Boxing and MMA competition sa City Sports Complex, Balayong Park ngayong August 12; Surf and Train (Aug. 19), Free Zumba (Aug. 20), Yoga Class (Aug. 23), Pilates and Functional with Rachel Ann Daquis (Aug. 27) at Motorcade (Sept 1). May alok ding libreng fitness training sa Aug. 19, 25 at 31.
Kabilang sa inaalok sa pagbubukas ng pasilidad ng resort ay ang iba’t ibang professional training sa martial arts gaya ng Brazilian Jiu-Jitsu (BJJ), Muay Thai, amateur boxing at mixed martial arts, na isasagawa ng mga Pinoy coaches, trainers at instructors.
Tampok din sa resort ang kanilang pool, wellness spa, workout recovery area at mag-aalok din ng hiking at surfing sa Nagtabon Beach para sa mga bisita at customers. Bukas din ang kanilang restaurant para sa customizable menu upang mag-cater sa dietary at nutritional foods ng mga guests.
Ang FCP Fitness Resort ay may lawak na 2.1 ektarya kung saan makikita ang ipinagmamalaking state of the art gym na may 600 sqm, 2-storey recreational hall, 75 sqm swimming pool, at mahigit 10 rooms at villas.
Ang FCP ay nabuo nitong 2021, matapos maisipan ng mag-asawang Randy (American) at Donna Bias, isang Pinay, gumawa ng bagay pagdating sa health at wellness ng bawat indibiduwal, at pareho silang “passionate” rito, matapos silang manatili sa Pampanga ng may 6-buwan nang maipit sa lockdown noong 2020 dulot ng pandemya sa Covid-19. Ang mag-asawang Bias ay naging matagumpay sa tech industry partikular ang “cloud scaling” ng may 30-taon sa USA, bago nila maisipan ang ideal “semi retirement” sa Pilipinas.
Target ng FCP na kauna-unahang combat fitness resort ang mga “fitness, wellness at boxing enthusiasts”, pro at amateur fighters, backpackers, travelers, mga turista at maging ang buong pamilya na naghahanap ng kakaibang spots o lokasyon para sa kakaibang adventure at staycation.
- Latest