250 mag-aaral sa Ilocos, nabiyayaan ng school supplies ng RC Malate Prime
MANILA, Philippines — Daan-daang mag-aaral ng Pangada-Cabaroan Integrated School sa Sta. Catalina, Ilocos Sur ang nabiyayaan ng school supplies mula sa Rotary Club of Malate Prime (RCMP) sa ilalim ng Rotary International District 3810, kamakailan.
Pinangunahan ni RCMP president, HCP Daisy Calara Valdez ang personal na pamamahagi ng RCMP personalized bags, school supplies at snacks sa may 250 na estudyante ng nasabing iskul.
Katuwang ni HCP Valdez sa aktibidad sina Sta. Catalina Mayor Edgar Rapanut, ang mister niyang si Capt. Albino Valdez Jr., anak nilang si Zara, at mga opisyal ng RCMP na sina Past Presidents Ronilda Reluya at Don Brabante, gayundin sina Rtns. Osang Saren, Liza Brabante, Manuel Uy, Evangeline Racho, Jasper Jay Galamay at Lorma Arcega; mga magulang at RMCP interactors.
Nagpasalamat naman si Mayor Rapanut at mga guro kay HCP Valdez at sa buong grupo nito na nagmula pa sa Metro Manila para lang mamahagi ng tulong sa mga batang mag-aaral sa Ilocos Sur nitong Hulyo 24.
- Latest