^

Probinsiya

Drug den sa Bulacan nabuwag: 8 nalambat

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Naaresto ng mga awtoridad ang walong indibiduwal na umano’y nahulihan ng P13,600 halaga ng iligal na droga matapos mabuwag ang drug den sa buy-bust operation ng pulisya sa Brgy. Bagong Buhay ng lungsod na ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Orlando Briones, 42, Mark Christian Calipayan, 35, John Rico Aguilos, 18, Neptune Añuevo  40, Jeffrey Ducoy, 24, Aira Kenneiker, 20, Riza Canonigo, 22 at Rowena Evite, 51.

Sa report ni SJDM acting chief of police P/Lt. Col. Ariel Narboada, ikinasa ang operasyon dakong alas-5:40 ng hapon sa Brgy. Bagong Buhay 1, Area B, Purok 7.

Ayon sa report, nabilhan umano ng isang sachet na pinaghihinalaang shabu ng poseur buyer sina Orlando at Mark habang ang iba naman ay naaktuhang humihithit sa sinasabing drug den kaya agad silang inaresto.

Nakumpiska sa operasyon ang 14 sachets ng pinaghihinalaang shabu kabilang ang buy-bust item na tumitimbang ng 2-gramo, 2 pirasong lighter, improvised bulb tooter at marked money.

BRIONES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with