^

Probinsiya

72-anyos ina, patay sa sakal ng anak!

Doris Franche-Borja, John Unson - Pilipino Star Ngayon
72-anyos ina, patay sa sakal ng anak!
Sa inisyal na pahayag nitong Linggo, iniulat ng Sulop Municipal Police Station na pinatay sa sakal ng 40-anyos na si Carlo Elardes Malinao ang inang si Dulcisima Elardes Malinao, sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 1 sa Barangay Poblacion ng naturang bayan dahil sa matinding hindi pagkakaunawaan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Agad na nakulong ang isang lalaki na addict umano sa ipinagbabawal na droga matapos mapatay nito sa sakal ang kanyang 72-anyos na sariling ina noong gabi ng Sabado sa Barangay Poblacion,  bayan ng Sulop sa Davao del Sur.

Sa inisyal na pahayag nitong Linggo, iniulat ng Sulop Municipal Police Station na pinatay sa sakal ng 40-anyos na si Carlo Elardes Malinao ang inang si Dulcisima Elardes Malinao, sa loob ng kanilang tahanan sa Purok 1 sa Barangay Poblacion ng naturang bayan dahil sa matinding hindi pagkakaunawaan.

Nasaksihan umano ng isang apo ni Malinao ang ginawang pagsakal ng suspect sa kanyang ina na isa nang senior citizen.

Matapos ang krimen, nagtangka pang tumakas ang suspek na hinihinalang lango sa ipinagbabawal na gamot ngunit inabutan din siya ng mga rumespondeng barangay officials at mga kasapi ng Sulop Police.

Ayon sa nakalap na ulat ng lokal na pulisya mula sa mga kaibigan at kamag-anak ng pamilya-Malinao, si Carlo na nakadetine na sa piitan ng Sulop Police Station, ay sugapa umano sa shabu at marijuana.

vuukle comment

POBLACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with