^

Probinsiya

P2.4 milyong shabu nasabat sa mall parking lot, 2 ‘pusher’ timbog

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines — Nasabat ng pulisya ang mahigit sa P2.4 milyong halaga ng shabu sa dalawang big-time drug pusher sa inilatag na buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang mall sa lungsod ng Bacoor kahapon.

Arestado ang dala­wang suspek na nakilalang sina Abs Akmad Pakiang alias “Boss” at Asraf Rajamuda Saban; kapwa high value target (HVT) ng pulisya.

Sa ulat, alas-11:35 ng umaga nang ikasa ng pinagsanib na puwersa ng RPDEU-4A, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU)-Cavite Provincial Police Office, Bacoor City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-4A, ang buy-bust operation laban sa dalawang suspek.

Sa parking lot ng kila­lang mall sa Bacoor naganap ang drug deal at nang magpostibo ang abutan ng droga at marked money, agad na dinakma ng mga nakapaligid na operatiba ang dalawang suspek.

Nasamsam sa ope­rasyon ang 7 selya­dong transparent plastic sachet na naglalaman ng mahigit sa 350 gramng shabu na nagkakahalaga ng P2,415,000.

Nakumpiska rin sa dalawa ang isang plastic bag; isang paper bag, dalawang cellphones (Brown Nokia and Blue Vivo), apat na bundle ng tig-P1,000 boodle money na aabot sa P399,000, at P400,000 cash na gamit din sa buy-bust money.

Narekober din ang gamit na sasakyan ng mga suspek na isang pulang Toyota Vios na may plakang NDB 2028.

vuukle comment

ARRESTED

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with