^

Probinsiya

Motor sinalpok ng truck: 3 magkakaangkas dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Motor sinalpok ng truck: 3 magkakaangkas dedo
Stock image of a hand.
Image by soumen82hazra from Pixabay

SAN FERNANDO, Camarines Sur, Philippines — Tatlong magkakaangkas ang patay matapos salpukin ng kasalubong na closed-van truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kahabaan ng Maharlika National Highway sa Zone-4, Brgy.Del Pilar, San Fernando, Camarines Sur kamakalawa ng umaga.

Lahat isinugod sa pagamutan pero idineklarang dead-on-arrival ang mga biktimang sina Marcelo Venancio Aquino, 48-anyos, driver ng motorsiklo; Raquel Villafuerte, 54-anyos; at Ella Mae Paglibane, 14-anyos, pawang residente ng Brgy. Muzon, Taytay, Rizal.

Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng nakabanggang truck na si Jay-Ar Garcia, 40-anyos, ng Brgy. San Francisco, Baao, Camarines Sur.

Sa ulat, dakong alas-6 ng umaga, magkakaangkas na binabagtas ang highway ng Yamaha Mio 125 na motorsiklo na minamaneho ni Aquino na pauwi sana ng Taytay nang banggain ng rumaragasa at kasalubong na Isuzu closed van forward truck (APA-304) na minamaneho naman ni Garcia.

Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak ang motorsiklo at tumilapon ang lahat ng sakay.

Mabilis na isinugod ang walang malay at duguang mga biktima sa Bicol Medical Center sa Naga City pero lahat sila hindi na umabot nang buhay.

vuukle comment

SAN FERNANDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with