^

Probinsiya

4.5 magnitude na lindol, tumama sa Davao Occidental

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa magnitude 4.5 na lindol ang tumama sa lalawigan ng Davao Occidental kahapon ng hapon.

Batay sa impormasyong inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nabatid na dakong alas-2:02 ng hapon nang maitala ang tectonic na lindol sa lalawigan.

Ang epicenter nito ay namataan, may 352 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental.

Mayroon rin itong lalim na 30 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol at hindi rin umano nila inaasahang magdudulot ng anumang pinsala ang naturang pagyanig.

EARHQUAKE

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with