Contractor itinumba ng tandem
CANDELARIA, Quezon, Philippines — Patay agad ang contractor matapos pagbabarilin ng motorcycle riding-in-tandem criminals habang nakaupo sa kanyang sasakyan kamakalawa ng umaga sa Barangay Poblacion sa bayang ito.
Ang biktima na nagtamo ng mga tama ng bala ng kalibre 45 sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ay kinilalang si Cornelio Cuevas, 48, residente ng Sitio Labak, Brgy. Poblacion.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-9:00 ng umaga ay nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan ang biktima na nakaparada sa gilid ng kalye nang lapitan ng isang hindi nakikilalang lalaki at walang sabi-sabing pinaulanan ng punglo.
Nang matiyak ng salarin na patay na ang biktima ay tinungo nito ang isang motorsiklo na hindi kalayuan sa crime scene na minamaneho ng kasabwat nito saka mabilis na tumakas.
- Latest