Mangingisda kulong sa pagkatay ng as
SARIAYA,Quezon, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng isang mangingisda makaraang katayin at pagtangkaang gawing pulutan ang aso ng isang bakasyunista sa beach resort sa Barangay Bignay 1, sa bayang ito, kamakalawa ng umaga.
Kinasuhan ng paglabag sa RA 10631 (Animal Welfare Act of 1998) ang suspek na si Renato Castillo, 51 ng Barangay Bignay 1 habang tugis na ang kasama nitong nakilala lamang sa alyas na Bunso.
Ayon Kay PMajor Romar Pacis, chief of police sa bayang ito, nagtungo sa Del Prado resort dakong alas 2:00 ng hapon upang mag-swimming ang bakasyunistang si Alicia Peduche, 63 ng Tanza, Cavite at mga kaanak kasama ang dalawang imported na aso.
Gayunman makalipas ang kalahating oras ay natuklasan nilang nawawala ang isang aso ng matanda kung kaya’t ipinagbigay-alam sa management ng resort at nag-anunsyo na magbibigay sila ng halagang P5,000 sa makakapagturo sa kinaroroonan o makakakuha nito.
Lumipas ang isang araw ay hindi natagpuan ang aso hanggang makatanggap ng impormasyon ang biktima na ang kanyang aso ay kinatay na ng suspek at balak na gawing pulutan.
Sa tulong ng pulisya ay natunton ang kinaroroonan ng suspek sa Sitio Puntor ng nasabing barangay at natagpuan na din doon ang karne ng aso.
- Latest