Minibus swak sa fishpond, 10 sugatan
CAVITE , Philippines — Sampu katao ang sugatan kabilang ang isang senior citizen na driver ng isang mini bus na nahulog sa fishpond sa Brgy. San Rafael IV, Noveleta, dito, kamakalawa.
Sa ulat ng pulisya, alas-3 ng hapon habang bumabagtas sa may Callero Bridge sa Brgy. San Rafael IV, Noveleta patungong Cavite City proper ang pampasaherong minibus (DXR 117) na minamaneho ni Tampos nang magloko ang makina nito. Dito nagpaekis-ekis ang takbo ng minibus hanggang sa hindi na nakontrol ng driver ang manibela at sumalpok sa mga bakal na harang at tuluyang mahulog sa palaisdaan.
Umabot ng mahigit isang oras ang rescue operation ng Noveleta Police, Noveleta MDRRMO at Noveleta-Bureau of Fire Protection bago naiahon ang mga sugatang pasahero gayundin ang driver na naipit sa kinauupuan nito.
Agad isinugod ang mga biktima sa pagamutan at nilalapatan na ng kaukulang lunas.
- Latest