^

Probinsiya

2 babaeng ‘tulak’ timbog sa buy-bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Magkasama hanggang sa kulungan ang dalawang babaeng tulak ng ipinagbabawal na droga na kapwa kabilang sa talaan ng Provincial Police Office-Suspected List Individual  (PPO-SLI) matapos silang malambat sa isinagawang buy-bust operation sa Purok Ilang-ilang, Brgy.Isabang, dito sa lungsod, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PLt. Col. Ruben Ballera Jr., chief of police ng lungsod, ang mga naaresto na sina Reynalyn Fernandez y Banaag alyas Madam, 31, dalaga ng Brgy. Marketview at Gema Villanueva Y Garcia alyas Ate Gem, 32, ng Infanta, Quezon.

Ayon kay Ballera, isina­gawa ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit ( CDEU ) ang buy-bust operation laban sa mga suspek dakong alas-11:37 ng gabi kung saan ay nakumpiskahan sila ng anim na plastic sachet ng suspected shabu na tumi­timbang ng 3 gramo na nagkakahalaga ng P61,200, at P500 marked money.

Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap na kaso ng mga suspek.

vuukle comment

PPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with