65-anyos na lola viral nang grumadweyt sa senior high school, nais mag-midwife
MANILA, Philippines — Trending ngayon si Pascuala Almonicar matapos magtapos ng Grade 12 sa Santa Fe, Cebu nitong Lunes — pero 'di gaya ng kanyang mga kaklaseng teenager, siya'y senior na.
Ito ang ibinahagi ni Santa Fe Councilor Jaypee Lao nitong Miyerkules tungkol sa bagong graduate mula sa Kinatarcan National High School.
"Ayon kay Lola Pascuala Almonicar, ngayong nakapagtapos na siya ng High School, gusto niyang maabot ang pangarap niyang maging midwife sa kanyang isla," ani Lao sa kanyanng Facebook post sa Bisaya.
"Kahit animnapu't limang taong gulang na siya, nagpasya siyang dumalo sa kursong midwifery sa lungsod."
Sa post ng anak ni Pascuala na si Stanley, ipinakitang nakatanggap din ang nabanggit ng gold medal award of excellence at Mayor Thamar Excellency Award.
Kung matutupad daw ang kanyang pangarap, plano raw ni lola Pascuala na ialay ang kanyang kakayahan serbisyo sa mga kapwa taga-Kinatarcan Island at lahat ng mga naninirahan doon.
Nagsisilbi tuloy ngayon ang nabanggit para sa ilang nais pa ring makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng edad.
"You've been dreaming of this for a long time now you've experienced it and achieved it. You achieved this because of your determination to graduate, even though at the age of 65 you persisted in your studies," sabi naman ng anak niyang si Stanley.
"Congratulations Ma Pascuala Almonicar ???????? , you deserved the award you recieved."
— James Relativo
- Latest