^

Probinsiya

Carmona sa Cavite, ganap nang lungsod  

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ganap ng isang lungsod ang Carmona sa lalawigan ng Cavite matapos magwagi ang “Yes” vote na inihain ng mga residente sa plebisito noong nakaraang Sabado.

Sa resulta ng plebisito na inilabas ng Commission on Elections (Comelec), nasa kabuuang 31,379 rehistradong bo­tante ng Carmon ang lumabas at bumoto nitong Hulyo 8.

Nabatid na 30,363 botante, o 96% ang bumoto ng “Yes/Oo” para sa ratipikasyon ng Republic Act 11938, o ang batas na nagko-convert sa Carmona bilang isang component city ng lalawigan ng Cavite.

Nasa 1,016 indibidwal naman ang tumutol dito.

“On the basis of the foregoing, we hereby proclaim that the conversion of the Municipality of Carmona in the Province of Cavite into a component city pursuant to Republic Act No. 11938,” ayon sa Comelec.

Nakapagtala ang Co­melec ng voters turnout na 53.9% mula sa kabuuang 58,691 rehistradong botante sa Carmona.

CARMONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with