^

Probinsiya

Magdyowa dedo sa salpukan ng motor

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY , Philippines — Patay ang dalawang motoristang live-in partners at sugatan naman ang isa pa sa salpukan ng dalawang motorsiklo noong Sabado sa Barangay Manicahan, Zamboanga City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Mario Abellion Del Rosario, 58-an­yos, at kinakasamang 58-anyos na si Erlinda Corcuerra Cristobal.

Sa pahayag nitong Linggo ng Zamboanga City Police Station 3, magkaangkas sa motorsiklo sina Del Rosario at Cristobal nang mabangga sila ng kasalubong na motorsiklong minamaneho ng 15-anyos na si Travis Daniel Eijansantos sa isang bahagi ng highway sa Brgy. Manicahan sa Zamboanga City.

Ayon sa mga saksi, nag-overtake si Eijansantos na wala diumanong driver’s license dahil menor-de-edad pa, sa isang kulay maroon na Nissan Navarra pickup truck kaya niya nabundol ang motorsiklong sinasakyan nina Del Rosario at Cristobal na mula sa kabilang direksyon ng highway.

Masuwerte namang nakapreno agad ang driver ng pickup truck kaya hindi nito nasaga­saan sina Del Rosario at Cristobal na tumilapon sa harapan ng naturang sasakyan.

Nagtamo ng matin­ding pinsala ang mag-live in partner na naging sanhi ng kanilang kamatayan habang sugat at pasa sa katawan ang inabot ni  Eijansantos na agad namang naisugod sa pagamutan ng mga barangay emergency res­ponders.

vuukle comment

DEL ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with