^

Probinsiya

Binata nakisakay sa truck, napisak

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Masaklap ang sinapit ng isang binata na nakisakay lang makaraang aksidenteng mahulog sa truck at magulungan nito sa bahagi ng Nueva Vizcaya-Baguio Road sa Barangay Tidang Village, Kayapa ng lalawigang ito, kamakalawa.

Kinilala ng Kayapa Police ang nasawing biktima na si Freddie Monang, residente ng nasabing lugar.

Ayon kay Police Major Michael Danguilan, hepe ng Kayapa Police Station, unang pinara ng biktima ang isang Isuzu Elf (WDK 140) na minamaneho ni Julius Ampat, 34, residente ng Barangay Besong sa nabanggit na bayan.

Dahil sa kakilala umano ng nasabing driver ang biktima ay hinintuan niya ito at isinakay sa harapang bahagi ng trak.

Gayunman, habang tumatakbo ang sasakyan ay aksidente umanong nahulog ang biktima nang biglang mabuksan ang pintuan ng sasakyan.

Napag-alaman na pumailalim ang nahulog na biktima at mabilis na nagulungan ng likurang bahagi ng trak na sanhi ng kanyang kamatayan.

Itinakbo pa sa pinakamalapit na pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival.

Napag-alaman na nakainom umano ng nakakalasing na inumin ang nakisakay na biktima.

Kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang driver ng elf truck.

vuukle comment

MICHAEL DANGUILAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with