^

Probinsiya

2 tulak timbog sa drug bust

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 tulak timbog sa drug bust
Kinilala ni PLt.Col.Ruben Ballera Jr.,chief of police dito ang mga naaresto na sina Marlo Ramos, alyas Negro, 26, binata ng  97 Lopez Jaina St. Brgy San Diego Zone 4, Tayabas City at Cecile Consul,44 ng Barangay. Mayao Crossing, Lucena City.
Artemio A. Dumlao / File

LUCENA CITY, Philippines — Hindi bumenta sa mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Lucena PNP ang palusot ng isang iskorer at isang babaeng tulak na naghihiraman lamang sila ng pera kung kaya’t tinuluyan silang ares­tuhin matapos na isa­gawa ang buy-bust ope­ration sa Purok Happy Valley, Barangay Ibabang Dupay, kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ni PLt.Col.Ruben Ballera Jr.,chief of police dito ang mga naaresto na sina Marlo Ramos, alyas Negro, 26, binata ng  97 Lopez Jaina St. Brgy San Diego Zone 4, Tayabas City at Cecile Consul,44 ng Barangay. Mayao Crossing, Lucena City.

Ayon kay Lt.Col.Ballera, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga residente na may nagaganap na pot session sa naturang lugar kung kaya’t agad na nagsagawa ng plano para sa anti-drug operation.

Naabutan pa sa aktong lango sa droga ang suspek na si Ramos nang isagawa ang buy-bust operation, ala-1:57 ng madaling araw.

Nakuha buhat sa pag-iingat ng mga suspek ang apat na piraso ng plastic sachet ng suspected shabu na tumitimbang ng 4.5 grams na nagkakahalaga ng P91,800.00 at isang piraso ng P500 na marked money.

Nabatid na ang mga suspek ay pawang kabilang sa talaan ng Provincial Police Office (PPO) Suspected List Individual (SLI).

vuukle comment

DRUG BUST

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with