Malakas na pagsingaw sa Taal Volcano naitala ng Phivolcs
MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng malakas na pagsingaw o steaming activity sa Bulkang Taal sa lalawigan ng Batangas.
Ayon sa monitoring ng Phivolcs sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala rin ang bulkan ng paglabas ng plumes na may 2,100 metrong taas na napadpad sa may direksyon ng hilagang-silangan.
Bukod dito, nagtala din ang Taal volcano ng 20 volcanic earthquakes pero mas mababa ito kumpara sa 38 volcanic earthquake nitong June 14.
Nagtala rin ang bulkan ng 5 volcanic tremor na tumagal ng 2-3 minuto at nagbuga ng 5,024 tonelada ng asupre at upwelling ng mainit na volcanic fluids mula sa main crater lake ng bulkan.
Nananatili namang nasa alert level 1 ang Taal volcano kung saan patuloy na ipinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ng sinuman sa Taal Volcano Island (TVI), lalo na sa main crater at Daang Kastila fissures at bawal din ang pamamalagi sa lawa ng Taal.
- Latest