^

Probinsiya

Sekyu tinadtad ng bala ng pinsan

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang 32-anyos na security guard matapos barilin ng pinsan nitong isang Small Town Lottery (STL) agent sa bayan ng Padre Garcia,Batangas, Miyerkules ng hapon.

Kinilala ang biktimang sekyu na si Berinie Dimaculangan,residente ng Barangay Banay-banay, Padre Garcia, Batangas.

Arestado naman ang suspek na si Victorino Dimaculangan, 42, single, STL agent at residente din ng nabanggit na barangay.

Ayon sa report, nagsimula ang away ng dalawa nang komprontahin ni Berinie si Victorino kung meron ba itong relasyon sa isa nilang pinsan.

Doon na nagtalo ang dalawa hanggang sa magpambuno bandang alas-5:00 ng hapon.

Makaraang magpambuno, umuwi ng bahay si Victorino at kumuha ng baril hanggang sa pagbabarilin si Berinie.

Naisugod pa sa Dr. R Rosales Memorial Medical Hospital si Berinie pero idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Naaresto naman si Victorino sa isinagawang follow-up operation kung saan nakumpiska dito ang isang caliber 45 pistol at mga bala.  - Ed Amoroso

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with