^

Probinsiya

Gang leader, 1 pang ‘most wanted’ timbog sa Bataan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines — Arestado ng mga otoridad ang dalawang katao na tinaguriang most wanted person (MWP) dahil sa kasong panggagahasa at pangmomolestiya sa magkahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Bataan at Zambales, kamakalawa.

Kinilala ang naarestong suspek na si Niño Reyes, umano’y lider ng “Reyes Criminal Gang” sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Honorable Judge April Joy G. Magsayo-Aguila, presiding judge ng Branct 61 RTC Angeles, City Pampanga para sa kasong Statutory Rape at Acts of Lascivousness.

Si Reyes ay dinakip habang namamasyal sa isang mall sa Brgy. Cupang Proper, Balanga City, Bataan.

Arestado rin ang sus­pek na si Emmanuel Clave alyas “Lolo Manny” bilang Top 1 Regional Most Wanted Person, ng pinagsanib na puwersa ng Castillejos Municipal Police  at Zambales Police Provincial Office sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Gemma Theresa B Hilario-Logonio, Presi­ding Judge ng RTC Branch 12FC Olongapo City para sa kasong Qualified Rape by Sexual Assault at Qualified Rape.

Wala namang inire­komendang piyansa ang korte sa dalawang suspek para sa kanilang pansa­mantalang kalayaan.

MWP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with