^

Probinsiya

Aklan isinailalim sa state of calamity sa ASF

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines —  Dahil sa pagkalat ng  African Swine Fever (ASF), isinailalim sa state of calamity ang Aklan alinsunod sa inaprubahang resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan.

Ayon sa Office of the Provincial Veterinarian, tinata­yang aabot sa pitong bayan sa probinsya ang naiulat na may kaso ng ASF habang umabot naman sa 40 na baboy ang ibinaon sa lupa.

Nagsagawa rin ng disinfection sa mga lugar na napaulat na mayroong kaso ng African Swine Fever.

Ipinamahagi naman ng probinsya ang tulong pinansyal na aabot sa P2,000 hanggang P3,000 sa mga apektadong hog raisers.

Patuloy ang isinasagawang monitoring at checkpoint ng mga awtoridad upang mapigilan ang pagpasok ng mga buhay at karneng baboy sa nasabing lalawigan.

ASF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with