^

Probinsiya

Dalagang architect ni-rape/slay sa sagingan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Dalagang architect ni-rape/slay sa sagingan
Kinilala ni Police Major Catherine dela Rey, DCPO spokesperson, ang biktima na si Vlanche Mari Baragas.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bangkay na at walang saplot na pang ibaba nang matagpuan ang isang 28-anyos na architect-engineer sa plantasyon ng saging  nitong Miyerkules sa Davao City.

Kinilala ni Police Major Catherine dela Rey, DCPO spokesperson, ang biktima na si Vlanche Mari Baragas.

Natagpuan ang katawan ni Baragas sa isang plantasyon ng sa­ging sa Subasta Agra­rian Reform Beneficiaries Agricultural Cooperative (SARBAC) sa Purok 6, Barangay Dacudao, na tinakpan ng tuyong dahon ng saging,alas-8:00 ng umaga, walong oras matapos maiulat na nawawala,alas-12:30 ng madaling araw.

Ayon kay Dela Rey, lumalabas sa autopsy na ang sanhi ng pagkamatay ng biktima ay “asphyxia by manual strangulation” at sa isi­nagawang eksaminasyon na mayroon itong “recent genital trauma” na nagkukumpirma na ginahasa ang biktima.

Makikita sa CCTV footage na ang biktima ay huling namataang sumakay ng dilaw na toktok o mas kilalang bao-bao o ongbak  sa Crossing Fausta, Calinan District.

Nakunan na may sakay na isa pang lalaki ang driver ng toktok.

Posible umanong ito ang  nagdala sa biktima sa banana plantation  kung saan  isinagawa ang pagpatay at panggagahasa.

Kinokondena naman ng United Architect of the Philippines-Davao City chapter ang insidente.

vuukle comment

DCPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with