Mandatory sa pagsusuot ng face mask sa Baggao, Cagayan ipinatupad
MANILA, Philippines — Dahil sa anim na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Baggao, Cagayan, ipinatupad ng lokal na pamahalaan ang mandatory na pagsusuot ng face mask sa bawat empleyado ng LGU at mga kliyente na magtutungo sa opisina.
Una rito, isang recommendation letter ang natanggap ni Baggao Mayor Leonardo Pattung mula sa Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Evelyn A. Gamata na naglalaman ng mga istratehiya kung paano maiiwasan ang local transmission nito.
Mahigpit na ipinapatupad sa mga kawani ng lokal na pamahalaan na panatilihin ang standard minimum health protocols para sa COVID-19 gaya na lamang ng palagiang pagsusuot ng face mask, panatilihin ang isang metro na social distancing at suriin ang bawat kliyente bago pumasok.
Agad naman itong inaprubahan at ibinaba sa bawat Department Heads at Sections Heads upang maipatupad at maiwasan ang pagkalat ng sakit.
- Latest