Ex-police chief sa Laguna natagpuang patay sa condo
MANILA, Philippines — Natagpuang patay ang dating chief of police ng San Pedro City, Laguna sa loob ng kanyang tinutuluyang condominium unit sa Biñan City kahapon ng umaga.
Kinilala ng Biñan City Police Station ang biktima na si dating Police Lt. Col. Ben Isidore Aclan.
Base sa inisyal na imbestigasyon, narinig umano ng personal security ng opisyal na si Police Cpl. Japer Aaron Mercado, ang putok ng baril mula sa kuwarto ng kanyang amo sa Holland Park Condominium dakong alas-8:30 ng umaga.
Agad umanong rumesponde si PCpl. Mercado, at pagdating niya sa kuwarto ni Aclan na pinanggalingan ng putok ay nakita niyang nakahandusay na ang dating hepe.
Dalawa namang bersyon ang umugong sa lungsod at patuloy na sinisilip ng awtoridad sa imbestigasyon kaugnay sa pagkasawi ng dating hepe ng pulisya. Una ay ang nararanasang matinding pressure umano sa kanyang personal na mga isyu kaugnay sa isang “illicit affair” sa isang pulitikong babae habang nasa Korea ang tunay na misis ng dating opisyal sanhi ng posibleng “suicide”, at ikalawa ay ang ulat ng pulisya na maaaring “accidental firing” ang nangyari sa loob ng kanyang condo unit.
- Latest