^

Probinsiya

Trader hinoldap, higit P10 milyong alahas at pera tangay

John Unson - Pilipino Star Ngayon

Cotabato City, Philippines — Hindi bababa sa P10 million na halaga ng mga gintong alahas at P250,000 na cash ang natangay ng dalawang lalaking nang-holdap ng isang negosyante sa mataong lugar sa Isabela City, Basilan noong Linggo ng hapon.

Sa blotter ng Isabela City Police Station, pauwi na sa kanilang tahanan ang negosyante ng mga alahas na si Hadja Sharifa Latip Ali nang lapitan ng mga naka-motorsiklong suspects habang nagla­lakad sa Legaspi Road sa naturang lungsod kung saan naagaw sa kanya ang mga dala-dalang mga alahas at pera.

Si Latip ay may maliit na establisimentong nag-bebenta ng mga gintong alahas sa Isabela City, hindi kalayuan sa kanyang tahanan.

May mga kopya na ang lokal na pulisya ng security camera recordings, mula sa mga establisimento sa paligid na kung saan naganap ang insidente, na siyang gagamitin sa pagkilala sa dalawang holdaper.

Sa salaysay ni Ali sa mga pulis na nag-responde sa insidente, aabot sa P250,000 cash na nakasilid sa paglalagyan ng kanyang dalang mga alahas ang kasamang natangay ng mga holdaper.

Iuuwi sana ni Ali ang naturang mga alahas para maimbentaryo na kanilang madalas na ginagawa, katuwang ang kanyang pamilya.

Naniniwala ang mga imbestigador ng lokal na pulisya na matagal ng naiplano ng mga holdaper ang krimen at alam nila ang mga galaw ng negosyanteng si Ali.

vuukle comment

CRIME

HOLDAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with