‘Longest habhaban’ ng Quezon, sasabak sa Guinness
Lucban, Quezon, Philippines — Isasali sa Guinness Book of World Records ang “longest habhaban ng pansit Lucban”.
Ito ang nais ng pamahalaang bayan ng Lucban, Quezon makaraang isagawa ang pagkain ng pamosong pansit Lucban ng mga residente dito bilang hudyat ng pagsisimula ng pinakahihintay nilang “Pahiyas Festival 2023” kahapon, May 15.
May habang 3-kilometro ang pumilang mga residente at humabhab ng pansit sa gilid ng kalye na nag-umpisa sa “Kamay ni Jesus” hanggang sa munisipyo ng Lucban.
Isinagawa rin ang Santacruzan na itinampok ang mga indigenous materials na isinuot ng mga sagala kaalinsabay ang pormal na pagpapakita sa mga turista ngayong araw ng dinarayong iba’t ibang dekorasyon sa mga bahay ng kiping.
- Latest