^

Probinsiya

‘Utak’ sa Gov. Adiong ambush, utas sa shootout!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
‘Utak’ sa Gov. Adiong ambush, utas sa shootout!
Ayon kay Caramat, maghahain lang sana ng warrant of arrest ang mga pulis kasama ang tropa ng Philippine Army laban kay Gandawali sa pinagtataguan nito sa Brgy. Pilimoknan, Maguing, Lanao del Sur nang bigla nitong paputakan ang mga operatiba.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay sa engkuwentro ang umano’y utak sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong Jr. noong Pebrero.

Kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Police Major General Romeo Caramat, ang suspek na  si Oscar “Tamar” Capal Gandawali.

Ayon kay Caramat, maghahain lang sana ng warrant of arrest ang mga pulis kasama ang tropa ng Philippine Army laban kay Gandawali sa pinagtataguan nito sa Brgy. Pilimoknan, Maguing, Lanao del Sur nang bigla nitong paputakan ang mga operatiba.

Sugatan sa insidente ang isang sundalo at ang chairman ng Brgy. Pilimoknan na si Gamon Manonggiring. Gumanti naman ng putok ang mga operatiba dahilan sa pagkakasawi ng suspek.

Nabatid na si Gandawali ay nahaharap sa pitong bilang ng kasong murder at dalawang bilang ng kasong frustrated murder.

Matatandaan na noong Marso, una nang naaresto ng mga pulis ang tatlo sa mga suspek sa pananambang kay Adiong. Habang nasawi naman sa hot pursuit operation ang isa pang suspek sa ambush na si alyas “Otin”.

Matatandaang Pebrero 17, nang tambangan si Gov. Adiong at isa nitong tauhan sa Kalilangan, Bukidnon habang patay naman ang apat nitong kasama kabilang ang tatlong pulis.

SHOOTOUT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with