^

Probinsiya

4 holdaper todas sa shootout!  

John Unson - Pilipino Star Ngayon
4 holdaper todas sa shootout!   
Kinumpirma nitong Byernes ni Lt. Col. Realan Mamon, hepe ng Mlang municipal police, ang pagkasawi ng apat sa palitan ng putok sa mga pulis na nagtangkang pigilin sila sa isang bahagi ng highway sa isang barangay sa Mlang habang patakas sakay ng dalawang motorsiklo.
File

KIDAPAWAN CITY, Philippines —  Napatay ng mga pulis ang apat na armadong mga lalaki na hinihinalang mga holdaper sa isang engkuwentro nitong Huwebes ng gabi sa bayan ng Mlang, Cotabato ilang minuto lang kasunod ng ginawang pagholdap sa karatig bayan.

Kinumpirma nitong Byernes ni Lt. Col. Realan Mamon, hepe ng Mlang municipal police, ang pagkasawi ng apat sa palitan ng putok sa mga pulis na nagtangkang pigilin sila sa isang bahagi ng highway sa isang barangay sa Mlang habang patakas sakay ng dalawang motorsiklo.

“Una silang nag-holdap sa Matalam at patakas na sana nang masabat ng aking mga tauhan. Tinangka silang pigilin ngunit naglabas ng mga baril at nagpaputok kaya nagka-engkwentro na nagsanhi sa kanilang kamatayan,” pahayag ni Mamon.

Ang bayan ng Matalam sa Cotabato ay di kalayuan sa Mlang, lugar ng magkahalong mga Muslim at mga Kristiyano na karamihan ay pagsasaka ng mais at palay ang ikinabubuhay.

Ayon kay Mamon, inaalam pa ng kanilang mga imbestigador ang tunay na identity o pagkaka­kilanlan ng apat na nasawing holdaper.

REALAN MAMON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with