^

Probinsiya

10 estudyante sa Oksi, nag-collapse habang nasa klase dahil sa init

Paul Jaysent Fos - Philstar.com
10 estudyante sa Oksi, nag-collapse habang nasa klase dahil sa init
Litrato ng mga estudyanteng nahimatay sa San Jose, Occidental Mindoro
Released/LGU San Jose, Occidental Mindoro - Municipal Information Office

ROMBLON, Philippines (Romblon News Network) — Sampung estudyante na ang nirespondehan ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng bayan ng San Jose sa Occidental Mindoro mula Marso hanggang April 18.

Ang mga nasabing estudyante ay hinimatay o di kaya ay nakaranas ng pagkahilo habang nasa klase.

Ayon kay MDRRM Officer Gil O. Gendrano, ang mga estudyante ay mula sa mga paaralan ng San Jose National High School, Pedro T. Mendiola Sr. Memorial National High School, Philippine Central Islands College, at Occidental Mindoro State College (OMSC).

Ayon kay Gendrano, ang sobrang init na panahon na sinabayan pa sa problema ng kuryente sa probinsya ang naging dahilan kung bakit nahilo ang mga estudyante.

Batay sa ulat ng Municipal Information Office ng San Jose, sa isang araw ay mas matagal pa ang nararanasan nilang brownout kumpara sa may-ilaw kaya lubha umanong apektado ang mga estudyante ng probinsya.

Ayon sa MDDRMO ng bayan, ligtas na ngayon ang mga estudyante kanilang nirespondehan.

--

Romblon News Network is a regional partner of Philstar.com

COLLAPSE

HEAT STROKE

OCCIDENTAL MINDORO

SAN JOSE

UNCONSCIOUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with