^

Probinsiya

5 magkakaibigan patay sa kidlat!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
5 magkakaibigan patay sa kidlat!
Dead-on-the-spot  ang mga biktima na kinilalang sina Glendelle Joy Villocino, 17; Valerie Asutilla, 23; John Gabriel Hersania, 15; Geramie Cartagena, 18; at Jonmel Galicia, 19, habang patuloy na ginagamot sa ospital si Clarence Cate Chatto, 21.
STAR/File

Masayang camping nauwi sa trahedya

MANILA, Philippines — Patay ang limang magkakaibigan habang sugatan ang isa pa nilang kasamahan nang sabay-sabay silang tamaan ng kidlat kasabay ng buhos ng ulan matapos silang mag-camping sa Digos City, Davao del Sur, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Dead-on-the-spot  ang mga biktima na kinilalang sina Glendelle Joy Villocino, 17; Valerie Asutilla, 23; John Gabriel Hersania, 15; Geramie Cartagena, 18; at Jonmel Galicia, 19, habang patuloy na ginagamot sa ospital si Clarence Cate Chatto, 21.

Ayon kay City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Executive Officer Sammy Miralles, bandang alas-5:30 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente sa Camp Madigger, Binaton, Digos City, Davao del Sur.

Lumalabas sa imbes­tigasyon ng Digos City Police na pauwi na ang mga biktima galing sa camping sa Camp Madigger nang abutan sila ng malakas na buhos ng ulan na may kasamang malakas na kidlat.

Dito nasapol ng kidlat ang naturang grupo na nagresulta ng pagkamatay ng lima sa kanila habang patuloy na inoob­serbahan sa ospital ang kasamahang si Chatto.

DEAD

TRAGEDY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with