^

Probinsiya

4 sakay ng lumubog na bangka nakaligtas dahil sa Facebook

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

Alabat, Quezon, Philippines — Nakaligtas sa tiyak na kapahamakan ang apat na sakay ng isang lumubog na bangka matapos na mabasa ang kanilang paghingi ng saklolo sa Facebook kamakalawa ng gabi sa karagatang sakop ng Lamon bay sa bayang ito.

Kasalukuyang kina­kalinga sa Alabat District Hospital sina Godfrey Almojar, 45, boat captain; Rolly Onoya, 20; Mark Aron Madrimafe, 18; at Engelbert Magon, 44, pawang residente ng Alabat, Quezon.

Ayon sa ulat ng pulisya, sakay ang mga biktima sa B/V Fren at patungo sa Alabat Island mula sa Atimonan port nang hampasin sila ng malalaking alon dakong alas-7:00 ng gabi.

Bandang alas-8:00 ay nakatanggap ng post sa Facebook si Ays Canimo tungkol sa paghingi ng tulong ng mga biktima.

Mabilis na tinungo ng mga kawani ng Alabat Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO) ang karagatan at naabutan nilang palutang-lutang sa tubig dagat ang apat kung kaya’t agad na ni-rescue.

ACCIDENT

TRAGEDY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with