^

Probinsiya

6 miyembro ng pamilya, nilamon ng dagat!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
6 miyembro ng pamilya, nilamon ng dagat!
Ang magkakaanak na biktima ng pagkalunod habang isa-isang iniaahon ng mga rescuers. Lima sa kanila ang patay habang isa pa ang nawawala matapos mag-swimming at lamunin ng dagat sa San Jose, Camarines Sur kahapon ng umaga.
Photo: San Jose Police

Outing ng Black Saturday nauwi sa trahedya

MANILA, Philippines — Nauwi sa masaklap na trahedya ang masaya sanang family beach outing ng mga menor de-edad na magkakamag-anak matapos na sabay-sabay na malunod ang lima sa kanila habang isa pa ang patuloy na nawawala nang lamunin ng dagat sa Brgy. Dolo, San Jose, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Isa-isang natagpuan sa ilalim ng dagat ng mga residente, mga pulis, coast guards at BFP-rescue team at walang malay na isinugod sa pinakamalapit  na pagamutan pero ideneklarang dead-on-arrival ang mga biktima na kinilalang sina Rizza Hermosa, 17-anyos; Jhona Hermosa, 17-anyos;  Rhea Pino, 18-anyos; lahat residente ng Brgy. Catagbacan, Goa, Camarines Sur; Rafael Pino, 18-anyos; at Regine Pino, 16-anyos, kapwa ng Naga City.

Hanggang kahapon ng hapon ay patuloy namang hinahanap ang na­wawalang si Ashley Rose Hermosa, 16-an­yos, habang maswerteng nasagip sa pagkalunod ang 12-anyos na si Jean Rose Pino.

Sa ulat sa Camp Gen. Simeon Ola, dakong alas-9:30 ng umaga ay nakita pang masaya at magkakasamang nagsu-swimming ang magkakaanak malapit sa dalampasigan. Gayunman, ilang sandali ay nadiskubre ng kanilang tiyuin na si Gilbert Cea na nalunod na ang mga pamangkin.

Mabilis na humingi ng saklolo ang mga kaanak sa iba pang tao sa paligid at nailigtas si Jean Rose habang rumesponde naman agad ang mga pulis, BFP-rescue team at Phi­lippine Coastguard at isa isang nahanap at naiahon ang limang biktima na pare-parehong wala nang buhay habang nawawala pa ang batang si Ashley Rose.

Pinaniniwalaang tina­ngay ang mga biktima ng malakas na agos ng tubig at saka sila sa hingop pa­ilalim ng dagat dahilan para lahat sila ay malunod. — Joy Cantos

DEAD

TRAGEDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with