Dagdag na 200 pulis-Bulacan pinakalat ngayong Semana Santa
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Napagkalat ng karagdagang 200 na pulis ang Bulacan Provincial Police Office (PPO) upang matiyak ang seguridad ng publiko sa lalawigan ngayong panahon ng “Semana Santa” at sa mahabang bakasyon ng holy season.
Iniutos ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang pagtatalaga ng 200 pang puwersa ng pulisya at pagtatatag ng 50 Police Assistance Desks (PADs), para sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa mga estratehikong lokasyon at sa lahat ng lugar na nag-uugnay sa lalawigan sa panahon ng Ligtas SumVac o Summer Vacation 2023.
Nagsagawa ang Bulacan PPO ng inisyatibo tulad ng madalas na pag-iinspeksyon at mataas na presensiya ng mga pulis sa mga tourist attractions at lugar na inaasahang dadagsa ang mga turista upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pangunahing imprastraktura tulad ng passenger terminals, resorts, at mga swimming pools.
Dagdag pa na ang mga regular mobile patrols na magpapatupad upang mapigilan ang mga labag sa batas na gawain at isulong ang kapayapaan at masayang karanasan ng bakasyon sa bawat isa.
Pangako ng Bulacan PNP na tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng komunidad, ay sumasalamin sa ‘di natitinag na dedikasyon sa mandato nito.
Ayon pa kay PD Arnedo, ang buong puwersa ng PNP ay handang tumugon sa ano pa mang kagipitan at magbigay ng tulong sa publiko.
Sa direktiba mula sa chief PNP at PNP Region 3 director, ang Bulacan Police ay nakatuon sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan, pigilan ang mga ilegal na gawain at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga tao.
- Latest