^

Probinsiya

Army Sgt. Sa nasunog na barko, natagpuan na

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Army Sgt. Sa nasunog na barko, natagpuan na
Ang mga bangkay nina Staff Sgt. Andrew Cerbatos, na sakop ng isang unit ng Philippine Army sa Sulu, at Jack Bungso ay natagpuang palutang-lutang sa karagatang malapit sa Baluk-Baluk Island sa bayan ng Muhtamad sa Basilan.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines — Natagpuan na ng mga rescuers ang isa sa da­lawang sundalo at isa pa na kabilang sa mga nawawala sa nasunog na barko sa karagatang sakop ng lalawigan ng Basilan nitong Miyerkules.

Ang mga bangkay nina Staff Sgt. Andrew Cerbatos, na sakop ng isang unit ng Philippine Army sa Sulu, at Jack Bungso ay natagpuang palutang-lutang sa karagatang malapit sa Baluk-Baluk Island sa bayan ng Muhtamad sa Basilan.

Nakilala si Cerbatos ng mga rescuers sa pamamagitan ng kanyang kuwintas na military dog tag kung saan nakatatak ang kanyang pangalan at Army serial number.

Ayon kay Richard Falcatan, Basilan provincial information officer, may isang sundalo pang sakay ang nasunog na M/V Mary Joy 3 na si Cpl. Marion Malda, ang pinaghahanap pa ng mga magkasanib na kasapi ng Philippine Coast Guard, ng Bureau of Fire Protection at mga emergency responders mula sa tanggapan ni Gov. Jim Salliman.

Aabot na sa 33 ang nasawing pasahero ng nasunog na barko ang natagpuan sa ginagawang search and rescue operations kasunod ng pagkakasunog noong gabi ng Marso 29 sa karagatang sakop ng Basilan habang naglalayag patungong Jolo, kabisera ng Sulu, mula sa Zamboanga City.

RICHARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with