^

Probinsiya

Imbakan ng mga armas, nadiskubre sa Rizal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Imbakan ng mga armas, nadiskubre sa Rizal
Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police, dakong alas-5:00 ng mada­ling araw nang ma­diskubre ang arm cache sa Sitio Quinao, Brgy. Puray, Rodriguez, ng nasabing la­lawigan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang arm cache o imbakan ng mga armas ang nadiskubre ng mga otoridad sa isang sitio sa Rodriguez, Rizal kamakalawa.

Batay sa ulat ng Rodriguez Municipal Police, dakong alas-5:00 ng mada­ling araw nang ma­diskubre ang arm cache sa Sitio Quinao, Brgy. Puray, Rodriguez, ng nasabing la­lawigan.

Nagsasagawa ng ma­jor combat operation na “Oplan Gold Mine” ang mga tauhan ng ISO Core Platoon, RMFB4A sa pangunguna ni PLt. Wendel Dave Pinongan at PLt. Jenmark Velasco nang madiskubre nila ang imbakan ng mga war materials sa pakikipagtulu­ngan ng mga sumukong miyembro ng communist terrorist group (CTG).

Nang halughugin ang lugar, nakarekober pa ang mga otoridad ng iba’t ibang materyales na gamit pandigma kabilang ang apat na improvised explosive devices (IEDs); isang AK47;  tatlong magazines para sa AK47; isang mortar ammunition;  40 piraso ng 7.62 ammunition;  33 piraso ng 5.56 ammunition;  pitong yarda ng detonator cord;  dalawang firing wire na may tig-50 metro ang haba;  apat na non-electric blasting cap;  isang posas at iba’t ibang uri ng mga gamot at medical paraphernalia.

Kaagad na kinumpis­ka ng mga otoridad ang mga narekober na armas para sa kaukulang pag-iimbestiga at safekeeping ng mga ito.

GUNS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with