^

Probinsiya

300 food packs sa mga katutubo sa Tarlac, ipinamahagi ng PCSO

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sa tulong ng NAVSOCOM

MANILA, Philippines — Iniulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nasa 300 piraso ng food packs ang ipinagkaloob nila para sa mga katutubong naninirahan sa Capas, Tarlac, sa pamamagitan ng Philippine Naval Special Operations Command (NAVSOCOM).

Mismong si PCSO Vice Chairperson at Ge­neral Manager Melquiades Robles ang nag-abot ng mga naturang food packs kay NAVSOCOM Chief of Staff CDR Joel V. Cabigon PN sa isang turnover ceremony na ginanap sa Office of the General Manager sa Sun Plaza Building, Shaw Blvd., Mandaluyong City kahapon.

Nabatid na ang nasabing tulong ay bilang pagtugon sa kahilingan ng NAVSOCOM sa PCSO para mabigyan ng karagdagang ayuda ang mga kababayan nating katutubo na naninirahan sa Brgy. Sta. Juliana, Crow Valley, Capas, Tarlac.

Dumalo rin naman sa nasabing seremonya sina PCSO director (Ret.) Judge Felix Reyes, Navy Lt. Commander Lemuel Rosete at Navy Lt. Goreati Christi Manatad.

Anang PCSO, ang programang ito ay bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility.

CHARITY

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with