^

Probinsiya

3 lugar sa Morong, Bataan 12-oras mawawalan ng kuryente

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

BALANGA CITY, Philippines — Makakaranas ng mahabang brownout sa tatlong lugar sa Morong, Bataan makaraang mag-anunsiyo ng 12 oras na pagkawala ng supply ng kuryente ngayong Miyerkules. (Marso 22) ang Electric Utility Provider ng lalawigang ito.

Sa inilabas na anunsyo ng pamunuan ng Peninsula Electric Cooperative, Inc. (Penelco), magsisimula ang mahabang kawalan ng supply ng kuryente mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Ang mga apektadong lugar ay ang kinaroroonan ng BTPI, Anvaya Cove at Bataan Nuclear Power Plant (BNPP).

Ayon sa Penelco, magkakaroon ng annual preventive maintenance sa kanilang Morong 10MVA at Sabang 5MVA sub station, pagpapalit ng sirang poste sa lugar ng Morong 69KV at ang pagsasagawa ng right of way clearing operations.

vuukle comment

BNPP

ELECTRIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with