^

Probinsiya

Lady drug dealer, huli sa P5.1 milyong shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lady drug dealer, huli sa P5.1 milyong shabu
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Juliet Baltazar Reyes, 38-anyos ng Brgy. San Pedro 2, Magalang, Pampanga. Nakatakas naman ang kasama nito na si AJ Munoz, residente rin ng Pampanga.
Pixabay

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang babaeng kilabot umanong drug dealer matapos makuhanan ng nasa P5.1 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya kahapon ng madaling araw sa Brgy. Silang Crossing East, Tagaytay City.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Juliet Baltazar Reyes, 38-anyos ng Brgy. San Pedro 2, Magalang, Pampanga. Nakatakas naman ang kasama nito na si AJ Munoz, residente rin ng Pampanga.

Sa ulat, inilatag ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwer­sa ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU)-4A, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Provincial Police Office, Tagaytay Police, Regional Intelligence Unit (RIU) 4A, Provincial Drug Enforcement Group (PDEG-SOU4) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A, laban sa mga suspek matapos silang makatanggap ng ng impormasyon na may magaganap na malakihang drug deal sa nasabing lugar.

Dakong alas-2:30 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust sa Crossing East ng Tagaytay City kung saan naaresto ang babaeng suspek subalit nakatakas ang kasama nito.

Narekober sa suspek ang isang malaking zip lock transparent plastic bag na naglalaman ng shabu na may timbang na mahigit sa 760 gramo at nagkakahalaga ng P5,168,000 at maging ang P1,199,000 boodle money na ginamit ng pulisya sa operasyon.

Bukod sa pagiging high value target ng pulisya, kilala umano ang suspek na bigtime drug dealer sa magkakalapit na probinsiya.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with