^

Probinsiya

6 labi sa Cessna plane crash, na-retrieve na  

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
6 labi sa Cessna plane crash, na-retrieve na   
Bandang alas-12:54 ng tanghali kahapon nang tagumpay at maayos naibaba ng 1st team ng Philippine Air Force ang mga labi ng mga biktima.
Pixabay

MANILA, Philippines — Nakuha at naibaba na kahapon sa Divilacan proper ang mga labi ng anim na pasahero ng Cessna plane na bumagsak sa Brgy. Ditarum, Divilacan, Isabela.

Bandang alas-12:54 ng tanghali kahapon nang tagumpay at maayos naibaba ng 1st team ng Philippine Air Force ang mga labi ng mga biktima.

Ayon kay IMT Commander Atty. Constante Foronda Jr., ang second team na ang magbibiyahe sa mga labi patungong Cauayan City Airport gamit ang air assets ng PAF.

Posibleng maibibiyahe na ang mga labi, papuntang Cauayan City Airport kapag tuluy-tuloy na maganda ang panahon.

Matandaan na  Huwebes ng hapon nang tunguhin ng retrieval team ang crash site para sa tuluyang pagbababa sa mga labi.

Bagama’t wala nang buhay nang marekober ang anim na sakay ng eroplano ay nagpapa­salamat pa rin ang mga kaanak nila sa IMT lalo sa mga nagsagawa ng search and retrieval ope­ration.

Samantala, nakatakdang magbigay ng tulong pinansyal si Isabela Gov. Rodito Albano III sa mga naulila ng anim na biktima na labis na nakidalamhati sa mga ito.

vuukle comment

CESSNA PLANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with