^

Probinsiya

10K taga-Laguna lumahok sa BIDA Fun Run ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
10K taga-Laguna lumahok sa BIDA Fun Run ng DILG
Pinangunahan nina DILG Sec. Benhur Abalos at Sta. Rosa City Mayor Arlene Arcillas ang “Buhay Ingatan, Droga'y Ayawan” (BIDA) Program Fun Run sa Greenfield City, Sta. Rosa, Laguna, na dinaluhan ng nasa 10,000 katao mula sa iba’t ibang sektor sa Calabarzon, kahapon.
Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Nasa 10,000 na residente ng Laguna ang lumahok sa tuluy-tuloy na pag-arangkada ng “Buhay Ingatan, Droga Ayawan (BIDA) Bayanihan ng Mamamayan” Fun Run ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ginanap kahapon ng madaling-araw sa Greenfield City, Brgy. Don Jose, Santa Rosa City, Laguna.

Nabatid na ito na ang ikatlong yugto ng BIDA Fun Run na naglala­yong hika­yatin ang mga mamamayan na maging physically fit o paunlarin ang health and wellness ng mga tatakbo ngunit higit sa lahat ay paigtingin ang awareness ng publiko laban sa iligal na droga.

Mismong si DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. naman ang nanguna sa aktibidad at tumakbo ng may limang kilometro.

Ayon kay Abalos, ang pagsasagawa ng fun run ay bahagi ng “grassroots approach” para himukin ang mga mamamayan na maging aktibong katuwang ng pamahalaan para wakasan ang suliranin ng droga na nakakaapekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan, partikular na sa mga kabataan.

“Bakit natin ginagawa ito? Sa mga nakakulong ngayon, 70 percent ang drug-related. Pito sa bawat 10 ang may kinalaman sa droga. Ang pinakamasaklap pa, sa mga nagsilbi ng kanilang sentensiya at nakalaya na, 30 percent, o tatlo sa kada sampu, ang bu­ma­balik sa kulungan. Ganoon kalala ang drug problem,” anang kalihim.

Binanggit din ni Abalos na isa sa nag-udyok sa pamahalaan para ilunsad ang BIDA Program ay ang nakaraang pagkahuli sa mga iilang matataas na opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagkakasangkot nila sa mga ope­rasyong may kaugnayan sa iligal na droga.

Kasama rin ni Abalos na nanguna sa aktibidad sa Laguna ay sina  Sta. Rosa Mayor Arlene B. Arcillas at Vice Mayor Arnold Arcillas, na nagsabing napakahalaga ng adbokasiya ng BIDA para sa mga taga-Santa Rosa at ibinida rin na ang lungsod ang unang nagtayo ng drug rehabilitation center-ang Balay Silangan at Da­ngal ng Pagbabago.

BIDA

DILG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with