2 ‘tulak’ sa Bicol, timbog sa P.5 milyong shabu
JOSE PANGANIBAN, Camarines Norte, Philippines — Kalaboso ang dalawang drug pusher na parehong itinuturing na high value individual matapos na maaresto sa ikinasang buy-bust at makuhanan ng higit kalahating milyong pisong halaga ng shabu sa Purok-2, Brgy. Luklukan Sur ng bayang ito, kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang mga suspek na sina Marlo Saar Conge, 22-anyos, residente ng Brgy. Sta. Rosa Del Sur, Pasacao, Camarines Sur at Samuel Adalig Abdul, 32-anyos, residente ng Brgy. Luklukan Sur, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Sa ulat, dakong alas-11 ng umaga inilatag ng mga tauhan ng Jose Panganiban Municipal Police Station at Provincial Intelligence Unit ng Camarines Norte Police Provincial Office ang buy-bust operation laban sa dalawa.
Agad inaresto ang mga ito matapos na i-abot sa pulis na nagpanggap na poseur buyer ang biniling isang sachet na shabu.
Nang kapkapan ang mga suspek ay nabawi lahat ang walong sachet ng shabu na tumitimbang ng 75-gramo at nagkakahalaga ng P510-libong piso.
- Latest