^

Probinsiya

Nagbiro na may bomba sa katawan sa mall, inaresto

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Nagbiro na may bomba sa katawan sa mall, inaresto
Sa ulat ng Calabarzon Police, kinilala ang nasakoteng suspect na si Fernan Manaig.
STAR/File

MANILA, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang mister matapos na mag-bomb joke sa entrance ng isang kilalang mall sa Brgy. Real, Calamba City, Laguna nitong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng Calabarzon Police, kinilala ang nasakoteng suspect na si Fernan Manaig.

Sa imbestigasyon, dakong alas-6:20 ng gabi nang pumasok si Manaig sa entrance 4 ng isang kilalang mall sa Calamba City kung saan hinila nito ang kaniyang tshirt saka sinabi sa security guard na nagsasagawa ng inspeksiyon sa mga mall goers na may bomba umano siya sa katawan.

“May bomba ako sa katawan, may bomba ako sa katawan,” buladas pa ng astig na suspect kung saan lumikha ito ng alarma sa mga shoppers sa SM City Calamba.

Dahil dito hindi pinapasok ng guwardiya sa loob ng mall ang nasabing suspect bunga ng banta ng umano’y bombang dala nito.

Gayunman, sa entrance naman ng Supermarket ng nasabing mall dumaan ang suspect at bunga nito ay agad itong inaresto.

Itinurn over naman ng mall security ang suspect sa kustodya ng pulisya  kaugnay ng paglabag sa Presidential Decree (PD) 1727 (Declaring as Unlawful the Malicious Dissemination of False Information of the Willful Making of Any Threat Concerning Bombs, Explosives or Any Similar Device”.

Kapag napatunayang guilty sa bomb joke, mahaharap ang suspek sa 5 taong pagkakakulong at magmumulta ng P40,000 pataas depende sa magi­ging desisyon ng korte.

vuukle comment

ARESTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with