^

Probinsiya

Bulo Dam napinsala sa bagyo, pinakukumpuni ni Gov. Fernando

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Matapos makatanggap ng sulat mula sa isang concerned citizen na nagpapahiwatig ng pag-aalala tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Bulo Dam, personal na pinamunuan ni Bulacan Governor Daniel Fernando ang inspeksyon ng dam kasama ang mga kinatawan mula sa National Irrigation Administration (NIA) kamakalawa sa Brgy. Kalawakan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga Bulakenyo.

Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan ni Fernando na nagkaroon ng pinsala ang dam matapos ang Bagyong Karding. Kaya naman kinumpirma ni Inh. Roald Marck Revellame ng NIA-Central Office na lahat ng mga nasirang bahagi, kasama ang vortex vane, ay nasa ilalim pa rin ng warranty at irerekomenda para sa pagkukumpuni at karagdagang pagpapatibay ng kalagayan ng dam.

“Sa nakita ko, hindi naman gano’n kalaki ‘yung damages, majority ay hindi ganoon kalaki pero siyempre, kailangang agapan ang maliit na problema bago ito lumala. I’m sure na hindi ito pababayaan ng NIA kasi iyon ang hinihingi ko sa kanila, ang concern sa nakarara­ming Bulakenyo; hindi sa iisang tao lamang o concern sa proyekto lang. Itong mga engineers from NIA ay cooperative naman at alam nila kung ano ‘yung makabubuti,” anang gobernador.

Bilang punong ehekutibo ng lalawigan, nagbigay ng mga rekomendasyon si Fernando upang masiguro na mapapakinabangan ang dam at upang matiyak na hindi ito makapagdudulot ng anumang pinsala sa mga residente.

“Kailangan lang talaga ng improvements kamukha noong nakita ko doon na manipis ‘yung wall sa secondary spillway, at napansin din na mayroong sira at hindi natapos ‘yun energy dissipator ng tunnel type spillway. Kaya suggestion ko na pwedeng lagyan ng extension ng concrete path ang spillway at sa side, l i-rip rap ‘yun bahagi ng bundok at i-reinforce ang wall para maiwasan ang pagguho o landslide lalo kung tumaas ang tubig sa dam,” ani Fernando.

Kasama rin sa inspeksyon ang mga opisyal ng Malibay Farmers Irrigators Association at tiniyak na hindi sila apektado ng maliliit na pinsala sa dam at kinumpirma na ang north canal ng Bulo Dam ay nagsusuplay ng tubig sa humigit-kumulang 50 ektarya sa lugar. Pinagbubuti na rin ang south canal para maserbisyuhan ang target area sa lalong madaling panahon.

Sinamahan rin si Fernando nina Provincial Director PCol. Relly B. Arnedo, Ing. Glenn, pinuno ng Provincial Engineer’s Office Reyes, PDRRMO OIC PCol. Manuel M. Lukban (Ret), Panlalawigang Agrikulturista Ma. Gloria SF. Carrillo, Provincial Legal Officer Abgd. Gerard Nelson Manalo at Katrina Anne Balingit, pinuno ng Provincial Public Affairs Office.

DANIEL FERNANDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with