^

Probinsiya

23 Abu Sayyaf sumuko sa Sulu

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumuko sa tropa ng pamahalaan ang may 23 na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Indanan, Sulu upang makapagbagong buhay.

Ayon kay Col. ­Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Minda­nao, Sabado ng hapon nang boluntaryong magsisuko sa militar ang 23 Abu Sayyaf sa Brgy. Pasil, Indanan, Sulu.

Ang pagsuko ng mga bandido, ayon kay Verceles ay kasunod ng pinaigting na operasyon ng Indanan Municipal Task Force to End Local Armed Conflict (MTF-ELAC) na pinamumunuan ni Mayor Hermot Jikiri. Isinuko rin nila ang kanilang mga armas na dalawang M16 rifles at walong M1 garand rifles.

 Sasailalim sa counseling at ilalagay sa ilalim ng kustodya ng 100th Infantry Battalion ng Philippine Army ang 23 bandidong nagbalik-loob sa gobyerno bago makahalubilo sa lipunan.

ARRESTED

ASG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with